Kung ang ating puso ay may iba't-ibang anyo
marahil hindi natin mawawari
kung ang puso ko ba ay babagay sa'yo
dahil naaayon sa itsura
kung ang ating puso ay para ba sa isa't-isa.
Kung ang ating puso ay may iba't-ibang hugis
marahil napakahirap hanapin
ng mga pusong aakma sa ating wangis
maaaring kailangan pang tabasin
at masaktan ang mga pusong gustong iwasto
ang magkakaibang hugis na pilit pinagtatambal ng buo.
Kung ang ating puso ay may iba't-ibang saloobin
marahil ginagawa pa nating alamin
kung ang ating mga puso ba ay may iisang palagay
dahil kusang nakatatak sa ating isip
na kailangang litisin ang bawat gawain
at tuluyang naiwang walang kapares
at hindi nabigyan ng pagkakataon
ang mga pusong nagkamali.
Kung ang ating puso ay may relihiyon
marahil hindi na natin kailangan pang maghanap
dahil mas kakaunti ang ating pagpipilian
o maaaring wala na,
dahil tuluyang nakasalalay
ang ating pag-iisang puso
sa ating pananampalataya,
sa kabila ng katotohanan
na ang ating Diyos ay iisa
na minahal tayo at tinanggap
nang walang panghuhusga.
Kung ang ating puso ay may kasarian
marahil wala nang naguguluhan
dahil lahat ng puso ay may natatanging uri
at walang namumukod-tangi
at lahat tayo ay walang mga pagdududa
dahil ang ating kasarian ay nakadikta.
Kung ang ating puso ay magkakaiba...
Ngunit hindi,
dahil ang ating mga puso ay may iisang anyo,
kung kaya't malaya tayong magmahal,
at magmahal ng walang mali,
ng walang alinlangan,
ng walang pinipili.
Ngunit ito ay nakapaloob
sa ating mga dibdib
Kung kaya't maraming humuhusga
dahil walang nakakakita
at walang nakakarinig
na ang ating mga puso
ay sabay na tumitibok
para sa isa't-isa.
marahil hindi natin mawawari
kung ang puso ko ba ay babagay sa'yo
dahil naaayon sa itsura
kung ang ating puso ay para ba sa isa't-isa.
Kung ang ating puso ay may iba't-ibang hugis
marahil napakahirap hanapin
ng mga pusong aakma sa ating wangis
maaaring kailangan pang tabasin
at masaktan ang mga pusong gustong iwasto
ang magkakaibang hugis na pilit pinagtatambal ng buo.
Kung ang ating puso ay may iba't-ibang saloobin
marahil ginagawa pa nating alamin
kung ang ating mga puso ba ay may iisang palagay
dahil kusang nakatatak sa ating isip
na kailangang litisin ang bawat gawain
at tuluyang naiwang walang kapares
at hindi nabigyan ng pagkakataon
ang mga pusong nagkamali.
Kung ang ating puso ay may relihiyon
marahil hindi na natin kailangan pang maghanap
dahil mas kakaunti ang ating pagpipilian
o maaaring wala na,
dahil tuluyang nakasalalay
ang ating pag-iisang puso
sa ating pananampalataya,
sa kabila ng katotohanan
na ang ating Diyos ay iisa
na minahal tayo at tinanggap
nang walang panghuhusga.
Kung ang ating puso ay may kasarian
marahil wala nang naguguluhan
dahil lahat ng puso ay may natatanging uri
at walang namumukod-tangi
at lahat tayo ay walang mga pagdududa
dahil ang ating kasarian ay nakadikta.
Kung ang ating puso ay magkakaiba...
Ngunit hindi,
dahil ang ating mga puso ay may iisang anyo,
kung kaya't malaya tayong magmahal,
at magmahal ng walang mali,
ng walang alinlangan,
ng walang pinipili.
Ngunit ito ay nakapaloob
sa ating mga dibdib
Kung kaya't maraming humuhusga
dahil walang nakakakita
at walang nakakarinig
na ang ating mga puso
ay sabay na tumitibok
para sa isa't-isa.