Wag kang magmadali
hindi ka naman matataya
Kung sakali
sa bilis ng takbo'y
masaktan, bumangga.
Wag kang magmadali
hindi kailangang humabol
Kung sakali
sa pagkataranta
mga iniingata'y matapon.
Wag kang magmadali
hindi kailangang makipag-unahan
Kung sakali
sa padalos-dalos
ang mahahalaga'y maiwan.
Wag kang magmadali
hindi ka naman patay-gutom
Kung sakali
sa dami ng pagsubo'y
wala nang malasahan.
Wag kang magmadali
hindi ka naman desperado
Kung sakali
sa pagka-atat
ang ngayon ay maglaho.
hindi ka naman matataya
Kung sakali
sa bilis ng takbo'y
masaktan, bumangga.
Wag kang magmadali
hindi kailangang humabol
Kung sakali
sa pagkataranta
mga iniingata'y matapon.
Wag kang magmadali
hindi kailangang makipag-unahan
Kung sakali
sa padalos-dalos
ang mahahalaga'y maiwan.
Wag kang magmadali
hindi ka naman patay-gutom
Kung sakali
sa dami ng pagsubo'y
wala nang malasahan.
Wag kang magmadali
hindi ka naman desperado
Kung sakali
sa pagka-atat
ang ngayon ay maglaho.