Bukas,
o sa ibang panahon,
Alam ko...
Gigising ka ng hindi nababalot ng alinlangan,
masasagot ang mga tanong na tila walang kasagutan,
maririnig ang mga tugon na matagal na inaasam.
Bukas,
o sa ibang panahon,
Alam ko...
Didilat ka ng may malinaw na mga mata
Tatahakin ang wastong mga daanan
Tatayo, tatakbo...
gamit ang mga paang matagal nang napapagod lumiko.
Bukas,
o sa ibang panahon,
Alam ko..
Makakarinig ka ng mga salitang "Salamat"
hindi na muling pakikinggan
ang mga paratang at pagpuna
na laging ipinapasok sa iyong isip
kung kaya't nabuhay kang naniniwala
na lahat ng nagawa mo ay mali.
Bukas,
o sa ibang panahon,
Alam ko...
Magiging mahalaga ka,
hindi na muling hahayaan
na itapon ang sarili
hindi na muling tatanggapin
ang mga bagay na hindi ka kayang yakapin.
Bukas,
o sa ibang panahon,
Alam ko...
makakaranas ka ng pag-aalaga
dahil tao ka, napapagod
nalulungkot, nagagalit,
hindi ka isang hayop
hindi ka utusan
hindi ka nila pagmamay-ari.
Bukas,
Alam ko...
may mga kamay na gagabay
at hindi bibitaw
sa mga kamay mong nangangatog,
at mayroong aalalay
sa bawat pagtawid at pagliko
hindi ka na matatakot.
Bukas,
o sa ibang panahon,
Alam ko...
may pagmamahal na babalik
at may masasandalan
ang katawan mong hapo,
at may yayakap
sa magulo mong pagkatao.
Bukas..
Sa ibang araw..
o sa ibang panahon...
Alam ko,
magiging sapat ka
dahil hindi ka mahina,
hindi ka basura,
hindi ka tanga,
Mahalaga ka.
Kaya kumapit ka,
Wag kang bibitaw.
o sa ibang panahon,
Alam ko...
Gigising ka ng hindi nababalot ng alinlangan,
masasagot ang mga tanong na tila walang kasagutan,
maririnig ang mga tugon na matagal na inaasam.
Bukas,
o sa ibang panahon,
Alam ko...
Didilat ka ng may malinaw na mga mata
Tatahakin ang wastong mga daanan
Tatayo, tatakbo...
gamit ang mga paang matagal nang napapagod lumiko.
Bukas,
o sa ibang panahon,
Alam ko..
Makakarinig ka ng mga salitang "Salamat"
hindi na muling pakikinggan
ang mga paratang at pagpuna
na laging ipinapasok sa iyong isip
kung kaya't nabuhay kang naniniwala
na lahat ng nagawa mo ay mali.
Bukas,
o sa ibang panahon,
Alam ko...
Magiging mahalaga ka,
hindi na muling hahayaan
na itapon ang sarili
hindi na muling tatanggapin
ang mga bagay na hindi ka kayang yakapin.
Bukas,
o sa ibang panahon,
Alam ko...
makakaranas ka ng pag-aalaga
dahil tao ka, napapagod
nalulungkot, nagagalit,
hindi ka isang hayop
hindi ka utusan
hindi ka nila pagmamay-ari.
Bukas,
Alam ko...
may mga kamay na gagabay
at hindi bibitaw
sa mga kamay mong nangangatog,
at mayroong aalalay
sa bawat pagtawid at pagliko
hindi ka na matatakot.
Bukas,
o sa ibang panahon,
Alam ko...
may pagmamahal na babalik
at may masasandalan
ang katawan mong hapo,
at may yayakap
sa magulo mong pagkatao.
Bukas..
Sa ibang araw..
o sa ibang panahon...
Alam ko,
magiging sapat ka
dahil hindi ka mahina,
hindi ka basura,
hindi ka tanga,
Mahalaga ka.
Kaya kumapit ka,
Wag kang bibitaw.