Nagwagi ng Ikatlong Gantimpala sa kategoryang Katha sa ika-siyam na Gawad Ustetika.
Disyembre 14, 2013. Unibersidad ng Santo Tomas.

Takot ako sa dagat.
Isa na rin siguro 'to sa mga dahilan kaya hindi ako marunong lumangoy.
Backstroke, butterfly stroke, breast stroke, sidestroke, lahat na ng klase ng stroke, at kahit pa nga langoy aso, pahirapan na matutunan. Kahit ilang beses pa akong turuan, hindi ko talaga kayang magawa.
"Sipa! Isipa mo yung paa mo gaya ng palaka!"
Sigaw palagi sa akin ni nanay. Sa buong pamilya, ako lang yata ang hindi natutong lumangoy.
Sa tuwing nagsu-swimming kami kasama ang mga kapatid ko, palagi lang akong nasa gilid. Pinapanood ko lang ang mga kapatid kong lumangoy. Madalas nasa malayong parte sila ng dagat at sisilayan ko lang ang mga maliliit nilang ulo na parang langgam na kumakawag-kawag at lumalangoy para makalutang sa malawak na dagat.
Takot ako sa dagat....mababaw man o malalim.
Kaya madalas hanggang bewang lang ang nababasa sa akin tuwing maliligo kami sa dagat. O kaya naman, nasa dalampasigan lang ako at naglalakad. Pinaglalaruan ang buhangin at sinusubukang hulihin ang mga kalasakas na gumagapang at pumapa-ilalim.
Sa mababaw na parte ng dagat, hindi ka rin makasisiguradong ligtas dahil sa humahampas na alon. Isang beses, sinubukan kong lumusong papunta sa lagpas bewang na tubig ng dagat. Pero hindi ko kayang labanan ang alon. Kaya madalas, nasa dalampasigan lang ako, nagmamasid at nakikipaglaro sa mga maliliit na umang at kalasakas.
Tuwing matatapos kaming maligo sa dagat, dumidiretso kami sa malapit na talon para magbanlaw. Mas gusto kong maligo sa talon kaysa sa dagat. Hindi gaano malamig ang tubig sa talon. Masakit man sa paa dahil mabato, pero bukong-bukong hanggang tuhod lang naman ang tubig kaya sigurado akong hindi ako malulunod.
Sa tuktok ng talon, mayroong isang bilog na parang lawa kung saan nanggagaling ang tubig. Madalas na umaakyat ang mga kapatid ko tuktok dahil masarap daw roon lumangoy.
Isang beses, tinuruan ako ni Kuya Buboy na lumangoy sa malalim. Dinala nila ako sa tuktok ng talon. Maliit ang bilog na parang lawa, pero mukhang madilim ang kailaliman. Nakakatakot. Parang walang hanggan ang lalim nang bilog na lawa. Pero masayang lumalangoy ang mga kapatid ko. Ni hindi ko magawang ilubog ang mga paa ko. Sa dilim ng ilalim, parang sa kahit anong oras ay may hahablot na engkanto sa binti ko at hihilahin pailalim sa walang hanggang kaibuturan ng tubig.
"Tumalon ka na, Ella!"
Patuloy ang paghikayat sa akin ng mga kapatid kong tumalon. Nanginginig ang mga tuhod ko at biglang nakaramdam ng lamig sa tubig na maligamgam. Parang dahan-dahang umaakyat ang lamig simula talampakan hanggang sa anit. Nangatog ang mga labi ko.
"Ayus lang yan, Ella, nandito naman ako," sabi sa akin ni kuya Buboy at hinawakan ang dalawa kong kamay. Malaki ang tiwala ko kay kuya. Pero hindi ko talaga mawari at ibang kaba ang nararamdaman ko tuwing tatapak ako sa tubig na hindi sigurado ang lalim.
"Marunong kaming lumangoy, di ka namin pababayaan," dagdag ni kuya.
Kahit na takot na takot ako noong mga panahon na 'yun. Napilit ako ng mga kapatid kong tumalon.
"Sipa lang ng sipa," sabi ni Kuya habang hawak niya ang kamay ko. Patuloy ko lang sinisipa ang mga paa ko sa ilalim ng tubig habang nakahawak si kuya sa akin. Nakakalutang pa ako dahil hawak ako ni kuya.
"Huwag mo akong bibitawan kuya," nanginginig ang labi ko habang sinasabi sa kanya.
"Dahan-dahan lang sa pagsipa. Wag kang magmadali, hindi ka makakalangoy niyan," sabi ni kuya.
Sinubukan kong i-dahan-dahan ang pag sipa. Sinubukan kong itadyak ang mga paa ko kagaya ng paa ng palaka, kagaya ng palaging sinasabi ni nanay. Hanggang sa naramdaman kong dahan-dahang dumudulas ang kamay ni kuya na nakahawak sa kamay ko.
"Wag kang matakot. Dahan-dahan kang sumagwan gamit ang kamay mo," sabi ni kuya habang tuluyan na dinudulas ang mga kamay niya sa kamay ko.
Isa...dalawa...tatlong segundo akong nakalutang nang malaya at hindi hawak-hawak ni kuya. Hanggang sa nataranta ako at napagtantong wala na ang mga kamay ni kuya sa kamay ko. Lumubog ako sa tubig at hindi makalutang sa bilis nang pagkawag ng mga kamay at pagsipa ng mga paa ko.
Bago pa ako tuluyang makalubog sa ilalim ay mabilis akong naligtas ni kuya. Binuhat niya ako at ini-angat sa gilid nang bilog na lawa. Inubo ko at idinura ang nainom na tubig. Maya-maya pa ay lumuluha na ako, hindi lang dahil sa mahapding mga mata kundi dahil sa hindi ko magawang talunin ang aking takot. Hindi lang pala dagat ang kinatatakutan ko.
Takot ako sa tubig.
Dahil mahalaga ang tubig para mabuhay. Sa aming anim na magkakapatid, kasama si nanay at tatay, madalas naming ipagkasya ang isang galon ng tubig sa isang linggo.
Pangatlo ako sa magkakapatid. Panganay si Kuya Buboy, pangalawa si Ate Annie, sumunod ako, sunod si Marga, sunod si Angelo, at pang bunso si Sarah. Halos dalawang taon lang ang agwat namin sa isa't isa.
Malaki ang pamilya namin, at kahit mahirap magpundar ng pangangailangan sa isang malaking pamilya, nagagawa pa rin naming kumain ng kahit dalawang beses sa isang araw. Paboritong kainin ng mga kapatid ko ang specialty ni nanay-- kanin na hinaluan ng mantika, toyo, at inihaw na dalagang bukid -- na mas kilala sa tawag na adobong dalagang bukid. Aba! Mayaman na kami kapag ganoon ang ulam. O kaya naman madalas kapag walang bigas o nahuling isda, paborito namin ang dinurog na kamote na hinaluan ng star margarine at asukal.
Minsan, naiisip ko, kahit napakahirap ng buhay, mabuti na lang at maganda ang pagpapalaki sa amin ni nanay at tatay. Kahit halos hindi lahat kami nakakapasok sa eskwela (minsan ako ang hindi mag-aaral, minsan naman ang isa kong kapatid), pero ginagawan pa rin ni nanay at tatay na magkaroon ng laman ang mga utak namin kahit sa pang araw-araw na buhay. Panira lang talaga minsan kapag hindi kami makabili ng pang project o wala kaming maibaon sa school dahil walang pera.
Ayoko ng pera. Hindi ko naiintindihan kung bakit ganoon kalaki ang halaga ng papel na may mukha ng mga politikong hindi naman alam ang tunay na dinadanas ng mga mahihirap na Pilipino. Hindi ko rin maintindihan kung bakit si Jose Rizal ang nasa piso na walang kulay at halos walang hugis ang itsura kumpara sa mukha nila Noynoy at Cory na nasa limang-daang pisong perang papel.
Kung tubig ang kahirapan, isa ang pamilya ko sa mga Pilipinong kumakawag-kawag upang makalutang sa malawak na dagat ng buhay. Ang mga mayayaman, hindi na nila kailangan lumangoy dahil lahat sila ay nakasakay sa barko. Ang mga hindi naman gaano mayayaman ay nakasakay sa bangka. Ang mga nakasakay pa nga sa bangka ang tutulong sa mga napapagod na lumalangoy. Madalas, ang mga lumalangoy lang din ang nagliligtas sa kapwa Pilipino nilang kumakawag-kawag. Paano makakatulong ang mga mayayaman samantalang napakataas ng barko nila? Hindi rin nila makikita ang mga taong pilit na lumalangoy dahil hindi nila magawang tumingin sa ibaba. Kaya wala nang magawa ang mga mahihirap na Pilipino kung hindi ang suminghap-singhap sa lagpas ngusong tubig ng hirap.
Mabuti na lamang at magaling lumangoy si nanay at tatay. Malalakas ang kanilang mga bisig at hindi hinahayaan na malugmok kami sa ilalim ng tubig. Kung kaya't hindi na rin problema ang pagkain dahil may mga tanim na kamote si nanay at nakakahuli ng isda si tatay. Madalas na problema talaga namin ang makakuha ng sariwang tubig. Kaya kapag desperado at kailangan na talaga namin ng inumin, kumukuha na lang si nanay ng tubig sa talon. O kaya naman kapag umuulan, naglalabas si nanay ng mga timba at balde para saluhin ang tubig na bumabagsak galing sa langit.
Takot ako sa tubig...kahit ang ulan.
"Ligo tayo sa, Ella!" madalas akong yayain ng mga kapatid kong maligo sa ulan.
Ayokong maligo sa ulan. Unang beses na nangyari 'yun, kinabukasan, paulit-ulit na akong inuubo at sinisipon. Halos dalawang linggo ring pabalik-balik ang lagnat ko. Ako na yata ang pinaka-sakitin sa aming magkakapatid.
Malamig din kapag umuulan. Ayoko sa malamig dahil kakaunting ginaw lang, sinisipon na 'ko. Nakakainis maging sakitin. Nakakainis ang ulan. Ayoko sa ulan. Ay hindi, galit ako sa ulan.
Galit ako sa bagyo.
Marami nang napagdaanang kidlat, kulog, malakas na ulan, o kahit na ano pang unos ang bayan namin. At kahit malapit ang maliit naming bahay sa dalampasigan, akala ko hindi magiging sapat ang bagyo para sumilakbo ang alon ng dagat papunta sa aming bayan.
Pero akala ko lang pala 'yun.
Naghanda at nataranta ang lahat sa paparating na malakas na bagyo. Ibinalot ni nanay ang mga damit, pagkain, at kagamitang pangbahay namin. Sinasabi sa radyo na kailangang lumikas ng lahat dahil ang tatamang bagyo ay isa sa mga pinakamalakas na bagyo sa buong mundo. Parang ang hirap paniwalaan. Marami sa amin ang hindi nanatili sa kanilang mga bahay. Pero dahil praning ang nanay ko at sa kagustuhang maging ligtas ng tatay ko, isa kami sa mga lumikas.
Malayo ang nilakad namin papunta sa simbahan. Habang naglalakad, unti-unti ko nang nakikita na dumidilim ang ulap. Malakas ang hangin at nagsisimula nang umambon. Sa sobrang lakas ng hangin nakikita ko nang yumuyuko ang mga puno at masakit na tumatama ang mga basang dahon sa mukha ko.
Hindi makakailang mararamdaman mo ang paparating na bagyo dahil sa malakas na hangin. Hinawakan ni nanay nang mahigpit ang tatlo kong batang kapatid. Samantalang si tatay at kuya, dala-dala naman ang mga bag at kahon na imimpake at ibinalot ni nanay. Hawak ko sa kaliwang kamay si Ate Annie, samantalang hawak ko naman sa kanan ang libreng kamay ni Kuya Buboy.
Sobrang dami na ng tao pagdating namin sa simbahan, may mga naglatag na ng banig, kutson, at karton para doon mamahinga. May mga naglatag na rin ng mga kani-kanilang pagkain, may mga nakikinig ng radyo, at marami ang natutulog kahit umaga pa lang.
"Aabutin daw ang simbahan ng silakbo," sabi ni tatay. Kanina pa nakikinig si tatay simula dumating kami sa loob ng simbahan.
Nagkagulo ang mga tao sa loob ng simbahan. Hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi alam kung saan pupunta.
Agad na lumabas si tatay at sinama si kuya Buboy. Biglang tumunog ng malakas ang kulog. Biglang umiyak ang bunso kong kapatid na si Sarah. Matatakutin si Sarah sa kulog.
"Tahan na, anak. Walang mangyayaring masama sa atin. Andito ang nanay," pagpapatahan ni nanay kay Sarah. Alam na alam talaga ni nanay ang kailangan sabihin para mapakalma kaming magkakapatid.
Pagkabalik ni tatay at kuya Buboy ay may dala-dala silang mga lubid. Mas lumakas ang buhos ng ulan. Naririnig ko pati ang mabilis na pagragasa ng hangin. Nakakatakot ang buhos ng ulan, parang maliliit na sandamakmak na batong itinatapon sa bubong ng simbahan.
Nilipat namin ang mga gamit namin sa ikalawang palapag ng simabahan. Nakipagsiksikan kami upang makarating sa isang sulok, malapit sa mga imahen ng mga anghel, at isa-isa kaming itinali ni tatay sa mga istatwa. Habang itinatali kami ni tatay ay nakikita kong unti-unti nang pumapasok ang tubig sa loob ng simbahan sa unang palapag. Nagsisigawan at nagkakagulo na ang mga tao. Mula sa bintana ay nakikita kong nagliliparan ang mga malalaking kahoy at yero na tumatama sa labas. Parang binubugog ang simbahan.
Mabilis na itinali ni tatay ang kanyang sarili at magkakatabi kaming magkakahawak ang kamay. Hawak ko ang kamay ni nanay sa kaliwa, at ang kamay ni kuya Buboy sa kanan. Si tatay, si Sarah, si Marga, si nanay, ako, si kuya Buboy, si Angelo, at si Ate Annie. Hawak-hawak namin ang kamay ng isa't-isa habang mahigpit na nakatali sa sulok at sa mga imahen.
"Wag kang bibitaw, Ella," sabi ni kuya Buboy.
"Higpitan niyo ang kapit mga anak. Wag matakot. Nandito ang nanay at tatay," sabi naman ni nanay.
Mabilis na tumaas ang tubig. Nakikita kong tinatali na rin ng mga tao ang sarili nila sa makikitang sulok, sa gilid ng bintana, sa katawan ng mga imahen. Mas lumalakas ang hangin at mas lalong tumataas ang tubig. Wala akong ibang marinig kundi ang mga mistulang maliliit na bato na tinatapon sa bubong ng simbahan, mga kahoy at yerong tumatama sa bintana at semento, mga sigaw ng tao, mga iyak ng bata, mga paghingi ng tulong.
Hanggang sa makaramdam ako ng tubig na humampas sa katawan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinigpitan ang kapit sa kamay ni nanay at kuya Buboy. Mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko na binuksan ang mga mata ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang na unti-unting dumudulas ang mga kamay ni nanay. Pakiramdam ko sa puso ko itinatapon ang mga sandamakmak na maliliit na bato. Hinigpitan ko ang hawak ko kay nanay. Naramdaman ko na lumuluwag ang pagkahawak niya at tinatangay na siya ng agos ng tubig. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak kay nanay.
"Ella, bitaw na!"
Nagulat ako sa sigaw ni nanay at hindi ko namalayang lumuwag ang pagkahawak ko sa kanya. Sinubukan kong higpitan ulit ang paghawak ko, pero naunahan na ako ni nanay at siya na ang unang bumitaw.
"Kuya Buboy! Si nanay!"
Binuksan ko ang mga mata ko at hindi namalayang humahagulgol na pala ako. Sinubukan kong tignan ang paligid. Wala akong makita. Parang hamog ang lahat ng bagay. Patuloy pa rin na humahampas ang malakas na tubig sa katawan namin. Hanggang bewang na ang tubig na malakas na humahampas at rumaragasa.
"Wag kang bibitaw, Kuya!" humahagulgol kong sigaw kay kuya Buboy.
Naramdaman ko ang paghigpit sa paghawak ni kuya sa kamay ko. Hindi na siya umiimik. Nanginginig ang mga kamay niyang nakahawak sa'kin. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Sinubukan kong magdasal. Pinipigilang humagulgol. Hanggang sa maramdaman kong biglang bumitaw si kuya sa paghawak niya sa kamay ko.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Mahigpit pa rin ang nakataling lubid sa katawan ko, pero wala na si nanay at kuya sa tabi ko.
Isa-isa kong sinigaw at tinawag ang pangalan nila tatay, ni ate Annie, ni Marga, ni Angelo, at ng bunso kong kapatid na si Sarah. Pero wala akong narinig na sagot mula sa kanila. Ipinikit ko lang ang mga mata ko. Sinusubukang indahin ang lamig, ang malakas na hampas ng tubig, ang mga iyak at sigaw ng mga tao sa paligid.
Galit ako sa tubig.
Sa aming walong nakatali nang mahigpit at hawak kamay na humarap sa hampas ng walang-awang tubig, ako lang ang natira.
Hindi ko na maalala kung papaano natapos ang lahat. Hindi ko na maalala kung papaano ako nanatiling nakatali sa imahen ni Hesukristo.
Umasa akong makikita ko pa sila. Sa aming lahat, ako lang ang hindi marunong lumangoy. Baka naman nakalangoy si nanay, si tatay, si Kuya Buboy, si Ate Annie, si Marga, si Angelo, at ang bunso kong kapatid na si Sarah. Siguro naman may nakaligtas kahit isa man lang sa kanila.
Pero ilang araw matapos ang sakuna, hindi ko pa rin sila mahanap.
Madalas kong isipin na sana bumitaw na lang din ako. Na sana ako na lang ang pumiglas sa mahigpit na pagkakatali ko. Sana sama-sama na lang kaming nawala. Sama-sama na kami siguro ngayon sa langit.
Kung hindi ako agad na natulungan at inampon matapos ang trahedyang iyon. Malamang, baka nilunod ko na rin ang sarili.
Pero lumipas na ang dalawang taon at natutong akong lumangoy mag-isa.
Takot ako sa tubig...noon.
Lamig.
Bahagya akong nanginig sa pagdampi ng unang lakmay ng tubig para ipanghilamos sa aking mukha. Humarap ako at tinignan ang babaeng halos hindi na makita ang mukha sa hinamog na salamin. Patuloy pa rin ang paglagaslas ng tubig galing sa gripo. Patuloy pa rin ang pagtitig sa babaeng walang mukha. Ipinihit ko ang gripo para tumigil ang paglagaslas. Pero patuloy pa rin ang pagpatak ng tubig.
Putang ina.
Hindi na ako magpapatalo sa tubig. Hindi na ako magpapatalo gaano man kalalim o kababaw ang tatapakan ko. Hindi na ako magpapatalo gaano man kalakas ang hampas ng tubig sa buhay ko.
Matagal na akong gustong matutong lumangoy ng pamilya ko. Para kay nanay, kay tatay, kay kuya Buboy, kay Ate Annie, kay Marga, kay Angelo, at sa bunso kong kapatid na si Sarah, natuto akong lumangoy kahit na takot na takot ako.
At hindi ako titigil sa paglangoy.