About the Writer.
Hello.
Ako nga pala si Christine.
Sa totoo lang. Ayokong sinasabi na manunulat ako ako. Kasi pakiramdam ko nagsisinungaling ako. Pero siguro nga, minsan, manunulat ako. Mas marami akong naiisip kesa sa nasusulat. Kung bakit? Hindi ko rin alam. Tamad lang ata ako.
Ako nga pala si Christine.
Sa totoo lang. Ayokong sinasabi na manunulat ako ako. Kasi pakiramdam ko nagsisinungaling ako. Pero siguro nga, minsan, manunulat ako. Mas marami akong naiisip kesa sa nasusulat. Kung bakit? Hindi ko rin alam. Tamad lang ata ako.
The reason.Minsan may mga bagay na kailangan nang iwan, at dahil dyan nag move on na ko sa blog ko sa blogspot. Na syempre, hindi ko na ibibigay yung link dahil...let's not bring the past back anymore. Anyway, di ko siya binura, dahil sayang din naman yung mga memories dun. Iniwan ko nga pala ang blogspot ko nung summer 2013, at nagsimulang gumawa ng panibagong blog sa jux, mga March yata. Ngunit subalit datapwat! Iniwan din niya ko. Dalawang buwan pa lang akong nasa jux, may natanggap akong e-mail na magsasara na ito sa August. Kung siniswerte ka nga naman. Kaka-move-on ko lang sa blogspot, iiwan na ako agad ng jux. Sakit. Eh ang gaganda pa naman sana ng mga posts ko sa jux. Mukha akong cool and artsy person. Pero syempre, iiwan niya na ko kaya eto, naghanap ako ng bagong outlet ng mga hinaing sa buhay. Masyado kasing open ang tumblr ko sa maraming tao. Merong mga bagay na hindi ako komportable i-post dun at mas komportable ako kung konti lang ang tao (na kilala ako) na makakabasa. Wala akong pakealam actually, kung sino makakabasa ng mga pinipost ko. Ang concern ko lang, eh kung kilala mo ko personally. Dahil isa sa mga pinaka-malaya kong ginagawa ay ang pagsusulat ng mga nararamdaman at kung anu pa. Kaya karamihan sa mga sagradong bagay ay dito ko na pinopost.
Eh bakit ko pa pinopost kung sikreto naman pala? Ganito lang yan. Para lang tong online diary. At hindi naman sa ayaw kong mabasa mo, sagrado lang talaga ang mga nakasulat dito maliban na lang siguro sa mga peke-pekean kong mga likha. Kumbaga yung mga kwento na hindi ko makwento, dito ko nailalabas. Yung mga nararamdaman ko na hindi ko masabi, dito ko sinasabi. Para di ako masyado mabalwi kailangan kong magpanggap na may kausap. HEHE. Pero seryoso. Kahit na ako lang naman talaga napapadpad sa websoite na to. Wala ako pake. Ganun lang yun. Gawa ka na lang ng sarili mong blog kung di mo ko magets. |
Para sa mga taong kilala ako personally.[Sakaling, well, sabihin nating meron ngang mapadpad dito?)
Dear You, Una sa lahat, hindi ko alam pero sinasabi ko nang napaka-walang kwenta ng mga makikita mo rito kundi mga rants at ka-emohan sa buhay. Medyo may pagka-sagrado rin to dahil ayoko talagang ilathala ang blog na to bilang mas honest at malaya ako rito. Kaya ang mga mababasa mo dito ay pawang mga hinaing at mga sinusulat ko pag malapit na akong sumabog. Mga ganun. At kung gusto mo mang malinawan, o kung nag-aalala ka (kung lang naman) okay lang din na kausapin mo ko personally. Madalas rin naman indirect o hindi rin straight to the point yung mga kwentong buhay ko, maliban na lang kung raging Christine Emano na ko o sobrang hugot na hugot sa ko sa damdamin ko. Kaya madalas na lang din siguro ay manghuhula ka, or kung kilala mo talaga ko mahuhulaan mo rin agad kung ano man mga tinutukoy ko sa buhay. Pangalawa, pag napuntahan mo tong blog ko na to. Mas masstalk mo ko dahil ito na ang pinakasagrado kong outlet ng mga ganap sa buhay ko. Kaya congrats! Hihi. At pangatlo, gusto ko lang sabihin na sobrang di ka naman mag-eenjoy sa website na to. Halos puro kwento at rants lang naman to ng buhay ko. Siguro kung ma-tripan mo man yung mga likha ko, pwede na rin. Pero sinasabi ko sayo, wala tong kwenta talaga. O kung kaya mong tiisin yung mga kwento ko, okay lang naman. Nasa sa iyo kung kaya mo tong tiisin. Haha. Love, Me :) P.S: still under construction...Sinimulan ko lang sya, di ko talaga alam anong goal ko dito.
|