Nagwagi ng Ikalawang Gantimpala sa kategoryang Dulang May Isang Yugto sa ika-siyam na Gawad Ustetika.
Disyembre 14, 2013. Unibersidad ng Santo Tomas.

Ang dulang ito ay tungkol sa pag-ibig, pagsisisi, at sa mga anino ng ng nakaraan na patuloy na sumusunod sa ating bawat yapak.
TAUHAN
BONG - 57 taong gulang. Dating OFW.
ANNA - 24 taong gulang. Panganay na anak ni Bong.
Alas-siyete ng gabi. Sa isla ng Rapu-Rapu, Albay. Malapit sa baybayin ay nakaupo si BONG sa isang mahabang upuan na gawa sa kawayan. Sa harap niya ay may maliit na lamesa, may nakapatong na serbesa at isang platito ng ubos na pulutan. Kumakanta si BONG habang nag gigitara. Tanging ang lampara at ang mga bituin ang nagbibigay liwanag sa paligid.
BONG : Sarung banggi sa higdaan (One evening as I lay in bed)
Nakadangog ako hinuni nin sarung gamgam (I heard the sad song of a bird)
Sa luba ko katorogan (At first I thought it was a dream)
Bako kundi simong boses iyo palan (But soon I recognized your voice)
Dagos ako bangon si sakuyang mata iminuklat, (I opened my eyes and arose)
Kadtong kadikloman ako nangalagkalag (And strained in the darkness to see)
Si sakong pagheling pasiring sa itaas (I looked about and up)
Naheling ko simong lawog maliwanag (Then I saw your glowing face.)
Patuloy ang pag kanta ni BONG habang pinapatugtog ang kanyang gitara. Darating si ANNA. Mapapahinto si BONG.
Katahimikan.
ANNA : Umiinom ka na naman.
Hindi sasagot si BONG.
ANNA : Matulog ka na.
Katahimikan.
BONG : Atabunon pa. (It`s still too early)
Kukunin ni ANNA ang platito na pinagkainan ng kanyang ama at aalis. Patutugtugin muli ni BONG ang kanyang gitara. Pagbalik ni ANNA ay may dala-dala itong dalawa pang bote ng serbesa at dalawang platito ng pulutan. Uupo si ANNA sa tabi ni BONG.
Katahimikan.
BONG : Kailan kayo mauli sa Maynila? (When are you coming back to Manila?)
ANNA : Next week. Sa Martes.
Katahimikan.
ANNA : Hindi ka ba sasama?
BONG : Hindi na.
ANNA : Sino kasama nila Rika sa bahay?
BONG : Andun naman si Tita Stella mo. Siya na bahala sa inyo.
ANNA : Mamimiss ka ni Gelo. Baka umiyak yun.
BONG : Wag mo na lang sabihin muna.
Katahimikan.
BONG : Nakatulog ba ng mabuti si Gelo at Rika?
ANNA : Oo, pagod din yung mga yun.
BONG : Graduating na si Gelo sa susunod na pasukan, di ba? Cum Laude naman ba yun?
ANNA : Running for Magna. As usual sa matalino kong kapatid.
BONG : Mabuti naman.
Katahimikan.
ANNA : Padalos-dalos naman yang desisyon mo.
Katahimikan.
BONG : Sa tingin mo ba, kaya ko kayong alagaan ng ako lang?
ANNA : Kaya nga susubukan natin, ngayong wala na si mama.
BONG : Hindi ko kaya.
Katahimikan.
BONG : Hindi ko naman kayo kayang alagaan. Kahit kalian, hindi ko kayo naalagan. Hindi ko alam kung paano.
ANNA : Ayan ka nanaman.
BONG : Nabibigyan ko lang kayo ng pera noon. Pero hindi ko naman talaga kayo naaalagaan. Ni hindi ko nga alam kung anong paboritong kulay ng mga kapatid mo. Ni hindi ko nga alam kung anong mga paborito nyong pagkain.
ANNA : Pa, tigil na. Lasing ka na yata.
BONG : Hindi ko pala talaga kaya na wala ang nanay mo. Sabi niya kapag may mga asawa na kayo, dito na kami titira sa Albay. Kaming dalawa lang. Tapos na ang mga paghihirap. Masaya na kayo sa mga buhay nyo. Masaya na rin kami dahil napalaki namin kayo ng maayos.
ANNA : Lagi niya rin yang sinasabi sa’kin.
BONG : Pagkatapos maabutan pa namin ang mga anak niyo, ang mga apo namin. Katulad ng lolo at lola mo, bibisitahin niyo lang din kami tuwing pasko, semanta santa, bakasyon. Mas gusto namin ng inay mo na mamuhay ng kaming dalawa lang. Malayo sa siyudad. Malayo sa ingay. Mas gusto namin ng tahimik.
ANNA : Sabi ko nga kay mama nung bata ako, “Ayoko nga, kukuha ako ng yaya niyong dalawa tapos magpapagawa ako ng mansyon! Dito sa maynila. Para malapit lang kayo samin!” Tapos tatawanan lang niya ko. (Tatawa)
BONG : Natutuwa baga ako na kayong mga anak namin, ipinaparamdam niyo na gusto niyo pa kaming makasama kahit tumanda na kayo. Aba, kahit madalas magdrama yang nanay mo, alam naming dalawa na aalagaan at aalagaan niyo pa rin kami. Kayong tatlo nila Rika at Gelo, alam naming mababait kayong mga bata.
ANNA : Siyempre, kami pa. (Tatawa)
BONG : Maayos ang pagpapalaki ni Nilda sa inyo.
ANNA : Ayan ka nanaman.
BONG : Lumipas ang mga taon na hindi ko man lang naparamdam sa inyo na mahal ko kayo. Ang tanging alam niyo lang, may tatay kayong masipag na kumakayod sa ibang bansa, nagbibigay ng pera.
ANNA : Alam mo pa, lasing ka lang. Kalimutan na natin yun.
BONG : Ang kapal pa ng mukha kong isipin na winawaldas niyo lang sa wala ang mga paghihirap ko. Hindi pa ko naniniwala kay Nilda minsan na na-ospital ka. Naalala mo, pumunta ako sa ospital ng naka-inom. Lasing. Ni hindi kita magawang bantayan.
ANNA : Tapos na yun, pa.
BONG : Tang ina! may pneumonia yung anak ko. Tapos pupunta ako sa ospital ng lasing. Anong klase...
ANNA : Tama na, pa.
BONG : Wala akong kwenta.
Katahimikan.
ANNA : Mahirap magpanatili ng relasyon sa dalawang magkalayong lugar. Mahirap talaga, pa. Hindi ko nga magawang makipag-usap sayo, nandito ka man sa Pilipinas o wala. Ewan ko. Hindi ko talaga magawang kausapin ka. Kahit ang personal na buhay ko, wala kang alam. Kasi hindi kita makausap. Ang tanging alam mo lang siguro ay kung may matatanggap ba ko na award tuwing graduation, o kung Dean’s Lister ba ako o hindi. Iyon lang din naman kasi ang lagi mong tanong sa’kin.
BONG : Dahil yun lang din naman ang laging tumatakbo sa isip ko. Gusto ko matalino at talentado ang mga anak ko, para may ipagyayabang ako sa mga katrabaho ko. Doon kasi sa samahan namin ng mga OFW sa Qatar, aba, mayabang ka talaga pag matalino ang mga anak mo.
ANNA : Sabi nga ni mama, lagi mo daw kaming pinagyayabang.
BONG : Proud ako sa inyo, Anna. Pero nanghihinayang ako. Sa totoo niyan, hindi ko rin naisip noon na wala talaga akong alam sa buhay ninyo, sa inyong tatlo. Hindi ko alam, kasi hindi ko naman inaalam. Ipagyayabang ko lang sa mga kasamahan ko na sa UP nag-aaral si Anna ko, na Valedictorian graduate si Gelo ko, na magaling kumanta si Rika ko.
ANNA : Nirerecord pa nga ni mama yung boses ni Rika para maniwala ka na maganda talaga ang boses niya. Nako, lagi yung champion sa singing competitions.
BONG : Hindi ko nga alam kung san nagmana yung batang ‘yun e hindi naman kagandahan ang boses namin ng nanay mo.
ANNA : Tinuruan ni ate Ronnie, at siyempre tinuruan ko rin. Maganda rin kaya ang boses ko, kala mo. (Matatawa)
BONG : Si Gelo lang yata ang sintunado kumanta sa pamilya natin.
Sabay na magtatawanan ang mag-ama.
BONG : Ngayon lang tayo nakapag-usap ng ganito.
ANNA : Ayos rin pala na umuwi tayo dito sa Rapu-rapu. Tahimik. Masarap ang hangin. Masarap mag-isip. Masaya makipagkwentuhan. (Saglit na tatahimik) Masaya makipag bonding sa tatay. (Matatawa)
Katahimikan.
ANNA : Hindi mo naman kinakain ang pulutan, Pa. Mauubos ko na to.
BONG : Sige na, ubusin mo na.
Katahimikan.
ANNA : Mag gitara ka ulit.
BONG : Kuhanan mo nga ako ng isa pang bote.
Tatayo si ANNA at aalis dala ang ubos na platito ng pulutan. Habang mag-isa si BONG ay mag gigitara ulit ito ngunit hindi na kakanta. Pagbalik ni ANNA ay may dala itong dalawang bote ng serbesa at ang platito na puno ng pulutan.
ANNA : Kumain ka, para hindi ka madaling malasing.
Hindi sasagot si BONG.
ANNA : Paboritong kantahin yan ni mama.
Patuloy ang pagtugtog ni BONG at magsisimulang kumanta.
BONG : Isang gabing maliwanag
Ako’y naghihintay sa aking magandang dilag;
Namamanglaw ang puso ko,
At ang diwa ko ay laging nangangarap,
Malasin mo giliw ang saksi ng aking pagmamahal,
Bituing nagniningning, kislap ng tala at liwanag ng buwan
Ang siyang nagsasabi na ang pag-ibig ko’y sadyang tunay,
Araw-gabi ang panaginip ko’y ikaw.
Magbuhat nang ikaw ay aking inibig,
Ako ay natutong gumawa ng awit;
Pati ang puso kong dating matahimik,
Ngayo’y dumadalas ang tibok ng aking dibdib.
Patuloy ang pagtugtog ng gitara ni BONG.
ANNA : Paborito rin yan ni lolo at lola.
BONG : Sinasayaw pa yan ng lola at lola mo pag tinutugtog ko.
ANNA : (Matatawa) Noong bata ako, natatawa ako pag kinakanta yan. Kasi hindi ko naman naiintindihan. Ang alam ko lang, yan ang madalas kantahin ni mama sa amin tuwing gabi. Tatawagin ka pa nun, “Bong! Patugtugin mo nga ang gitara at kakantahan ko ang mga anak natin!”
BONG : Tapos magmamadali akong pupunta papunta sa nanay mo, dala-dala ang gitarang to.
ANNA : Tapos makakatulog kami sa pagtugtog mo ng gitara at sa tinig ni mama. Kahit hindi ko naman naiintindihan ang kanta. Ang alam ko lang, yan ang madalas kantahin ni mama. Ang alam ko lang, yan ang madalas sayawin ni lolo at lola ng magkahawak ang kamay.
BONG : Maganda ang kanta.
Katahimikan.
ANNA : Maganda.
Katahimikan.
BONG : Malapit na kayo ikasal ni Jake, di ba?
ANNA : (Tatango) Opo.
BONG : Kailan?
ANNA : Sa June.
BONG : Kung ganon, sa June na ako mauli. (If so, I`ll come back in June)
Hindi sasagot si ANNA.
BONG : Bakit pala hindi siya sumama sa atin dito?
ANNA : Si Jake?
BONG : Iyo. (Yes)
ANNA : Nahirapan siya mag leave sa trabaho. Besides, kailangan rin talaga naming makapag-ipon bago ang kasal. Tsaka hindi ko na rin pinilit. Naisip ko na mas mainam na kayo muna ang kasama ko. Ayoko rin na makita niya akong nagluluksa.
BONG : Huwag kang magpipigil ng luha. Magluksa kung magluluksa.
ANNA : Ayokong makita niya akong napapanghinaan ng loob. Kahit alam kong alam niya na mahina na ang loob ko. Pinipigilan ko lagi ang luha ko kapag kasama ko siya. Lalo na nung nililibing na si mama.
BONG : Pero hindi mo naman mapigilan.
ANNA : Ganun pala yun, papa, ano? Kapag nakikita mo na ilalagay na sa ilalim ng lupa ang mahal mo? Parang hindi totoo. Ang sarap isipin na panaginip lang ang lahat. Na andyan pa si mama at magkakasama pa tayong lahat. (Maiiyak) Noong pagkakataon na yun, parang nanghina ang mga buto ko. Nanghina ang buong katawan ko. Hindi ko mapigilang humagulhol. Yakap-yakap lang ako ni Jake. Doon ko naisip na hinding- hindi ko kailanman papakawalan ang mga taong mahal ko, kahit anong mangyari.
BONG : Huwag na huwag mong pakawawalan ang mga taong mahal mo. Huwag na huwag mo sila hahayaang mawala sayo.
ANNA : Sulitin ang mga sandali. (Ngingiti)
BONG : Aba, eh dapat lamang.
Katahimikan.
BONG : Sigurado ako, nag-aalala na yun si Jake ngayon.
ANNA : Tinawagan nga ako kanina, nangangamusta. Sabi ko maayos naman ang lagay ko. Hindi ko pinapahalata na kakagaling ko lang sa pag-iyak. Ayokong mag-alala siya.
BONG : Mabait ang batang yun, ano? Para bang panatag ako na siya ang pakakasalan mo.
ANNA : Aba, dapat lang! Kundi, hindi ko siya pakakasalan. (Matatawa)
BONG : Ang laki mo na, anak. Sana nakita man lamang ng nanay mo ang kasal niyo.
Ngingiti lamang si ANNA at hindi sasagot. Katahimikan.
BONG : Kuhanan mo nga ako ulit ng isa pang bote.
ANNA : Ang bilis mo talaga uminom.
BONG : Dagdagan mo na rin itong pulutan.
Tatayo si ANNA at aalis dala-dala ang platito ng pulutan. Pagbalik ni ANNA ay may dala-dalang itong isang bote ng serbesa at platito na puno ng pulutan.
ANNA : Huli na to.
BONG : Anong oras na ba?
ANNA : Hindi ko alam. Wala akong dalang orasan.
BONG : Alas-siyete ng magsimula tayong mag-usap.
ANNA : Mag a-alas-otso na siguro.
BONG : Atab pa. (It`s still early)
ANNA : Pagkatapos nito, matulog ka na.
Hindi sasagot si BONG.
ANNA : Ang sarap pala talaga tumira dito sa Rapu-rapu. Tahimik. Ang sarap ng hangin. Kung pwede lang hindi na ko magtrabaho at dito na lang ako magpapatayo ng mansyon para sa inyo at para sa min ni Jake. (Matatawa)
Katahimikan.
BONG : Alam mo, Anna, kapag tumanda ka na, maiisip mo na mas masarap mamuhay ng tahimik, sa ganitong mga lugar. Lahat ng luho mo noong bata ka, mawawalan ng silbi. Dahil papalapit na ng papalapit ang kamatayan. Mas pipiliin mo na mamuhay kasama ang mahal mo. Kasama ang nagmamahal sayo. Kayong dalawa lang. Magkatabi. Malayo sa ingay, malayo sa gulo, malayo sa tukso.
ANNA : Malayo sa tukso.
Katahimikan.
BONG : Sana napatawad niyo na ko.
ANNA : Matagal na yun, pa.
BONG : Nagmana ka sa nanay mo, ano? Parehas kayong may pagka-martir.
(Matatawa)
Katahimikan.
BONG : Salamat, Anna.
ANNA : Saan?
BONG : Sa pag-intindi, sa pagpapatawad. Malaki ang mga naging kasalanan ko. Kay Nilda, sa iyo, sa mga kapatid mo. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at naging ganoong klase akong halimaw.
ANNA : Wag na nating pag-usapan.
BONG : Mahirap kalimutan.
Hindi sasagot si ANNA.
BONG : Hanggang ngayon, kinakain pa rin ako ng konsensya ko. Parang bang halimaw, na hanggang ngayon, sinusundan at nginunguya pa rin ang buong pagkatao ko. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon kay Nilda. Mahal ko ang nanay mo. Pero sinaniban yata ako ng isang halimaw na hindi ko alam kung bakit hinayaan ko. Hinayaan ko siyang kainin ang pagkatao ko. Hinayaan ko ang sarili kong maging halimaw.
Katahimikan.
ANNA : Nasira ang lahat simula nun.
BONG : Sinira ko ang lahat.
Katahimikan.
ANNA : Ayoko na tong pag-usapan.
BONG : Alam kong may galit ka pa rin sa kin, Anna.
Hindi sasagot si ANNA.
BONG : Mahirap kalimutan. Murahin mo na ako ngayon. Sabihin mo na lahat ng hindi mo nasabi noon.
Katahimikan.
ANNA : Nanaginip ako nung isang gabi, 2nd year college daw ako ulit. Hindi mo pa noon nagagawa ang kasalanan mo. Alam mo ba kung anong nangyari? Naaksidente ka sa eroplano pabalik sa Pilipinas at namatay. Hindi ko alam, pero sa panaginip ko, natuwa ako. Natuwa ako hindi dahil sa hindi kita mahal at gusto na kitang mawala. Pero natuwa ako dahil kung nangyari man yun, hindi mo masasaktan si mama. Hindi kami masasaktan na magkakapatid. Mas okay yata yun sakin. Mas masakit yung mahuli mong pinagtaksilan ka ng tatay mo, kaysa sa sumakabilang buhay siya ng tapat at nagmamahal sa pamilya niya.
BONG : Ilang beses ko ring inisip na sana ako na lang ang nawala kaysa ang nanay mo.
ANNA : Pinatawad na kita. Pero hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isip ko lahat ng pinagdaanan namin dahil sa ginawa mo. Lahat ng sakit, panghuhusga, at paghihirap namin dahil sa isang pagkakamali na yun, naaalala ko pa. Hinding-hindi ko makakalimutan. Alam mo, ang nakaraan, lalo na ang mga masasakit na nakaraan, para yang anino na laging sumusunod sayo. Kahit sabihin mo na napatawad mo na ang mga taong nanakit sayo, susunod at susunod pa rin yan sayo. Hindi mo mapapansin, pero naglalakad ka ng kasama mo ang mga nakaraan mo, parang anino. Tatanda ka ng dala-dala mo ang mga anino ng hindi mo napapansin. Kasi minsan, akala mo wala lang naman sila, kaya pinapabayaan mo lang. Kapag hindi mo naresolbahan, bibigat ang mga anino. Pero kahit na matapos pa ang paghihirap ng masakit na nakaraan, hindi mo pa rin ito makakalimutan. Susunod lang ang mga anino sa likod mo.
Hindi sasagot si BONG.
ANNA : Nagalit ako. Galit na galit ako noon. Pero lagi ko lang iniisip na mahal kita at ikaw ang tatay ko. Kahit na natapos na, kahit na pinatawad ka na namin, hindi pa rin maalis sa isip ko kung gaano mo ako ginalit. Sabi mo kanina, para akong si mama, parehas kaming may pagka-martir. Pero hindi, hindi ako martir. Kung ako si mama, iiwan na kita at hindi na tatanggapin pa. Ewan ko. Kapag nasira na ang tiwala ko, kapag nagalit na ko, mahirap ng ibalik ang pagmamahal ko. (Matatawa) Pasalamat ka, tatay kita. Kahit anong galit pa ang madama ko, hindi pa rin maaalis na dugo kita at dugo mo ako.
Katahimikan.
ANNA : Naku, kapag ginawa lang talaga ni Jake iyon sakin, baka mapatay ko siya. (Matatawa)
Katahimikan.
ANNA : May tama na yata ako. (Matatawa)
BONG : Ako na ang uubos niyan.
ANNA : Wag na, pa. Huli na to.
BONG : Kumain ka para hindi ka malasing.
ANNA : Inulit mo lang yung sinabi ko kanina.
Katahimikan.
BONG : Hindi ko alam ang sasabihin ko sayo, anak.
Hindi sasagot si ANNA.
BONG : Hindi sapat ang humingi ng tawad.
ANNA : Napatawad ka na namin.
BONG : Hindi sapat ang sabihing mahal na mahal ko kayo.
ANNA : Mahal ka rin namin, pa.
BONG : Hindi sapat ang hilingin na sana ibalik ang nakaraan at kung pwede ko lang itama ang mga pagkakamali ko, gagawin ko. Hindi sapat ang hilingin na sana naging mabuti akong ama, na sana naalagaan ko kayo at napadama na mahal na mahal ko kayo, kagaya ng nanay mo.
ANNA : Mahal na mahal ka rin namin, pa.
BONG : Salamat. (Maiiyak at yayakapin si ANNA)
ANNA : Tama na. (Magpupunas ng luha)
BONG : Gawa ba naman ng naka-inom tayong dalawa. (Matatawa)
Katahimikan.
ANNA : Tumugtog ka ulit, pa.
Kukunin ni BONG ang gitara at tutugtog. Sabay na aawiit ang mag-ama.
BONG/ANNA: Sarung banggi sa higdaan (One evening as I lay in bed)

Bako kundi simong boses iyo palan. (But soon I recognized your voice)
Patuloy ang pagtugtog ng gitara. Mamamatay ang sindi ng lampara. Mag-iiba ang ilaw. Saglit na titigil si BONG sa pag gitara. Pag sindi muli ng lampara ay wala na si ANNA. Mag-isa na lamang si BONG. Ipagpapatuloy nito ang pagtugtog ng gitara at aawit.
BONG : Dagos ako bangon si sakuyang mata iminuklat, (I opened my eyes
and arose)

Patuloy ang pag tugtog ng gitara. Unti-unting magdidilim.
TELON.